Saturday, January 19, 2008

STUDIO 7 PART 3

Mag-aalas sais y medya na ng hapon, nagmamadali si Jocelyn na makaalis agad sa opisina upang di sila magkita ni Gilbert. Subalit sa kanyang paglabas pa lamang ng News and Current Affairs Lobby, ay tumambad sa kanya ang may hawak na mga rosas at 3 kahon ng polboron na si Gilbert. Dahi dito... labis itong ikinagulat ni Jocelyn kaya naman wala na itong magawa. Sa kanilang pag-uwi nakiusap si Gilbert kay Jocelyn kung pwede silang dumaan muna sa UP Chapel. Labis na namangha dito si Jocelyn dahil hindi pangkaraniwan sa kanya ang ganitong klaseng lalaki na may pagka-madasalin. Pagkatapos noo'y... inhatid na nya si Jocelyn sa UP Bliss kung saan nakatira si Jocelyn. Doo'y ipinakilala ni Gilbert ang kanyang sarili sa mga magulang at kapatid ni Jocelyn na muling ikinagulat ni Jocelyn. Dahil sa mga kakaibang ikinilos ni Jocelyn, ay tila humanga sya dito.

Simula noon ay naging madalas na ang paghatid ni Gilbert kay Jocelyn.
September 12,2000....nang magdesisyon si Gilbert na magtapat na ng kanyang pag-ibig kay JOcelyn. Kahit pa nga ba, mahigit sa isang linggo pa lamang silang magkakilala ay pumayag na rin si Jocelyn.Kasi nama'y kung hindi nga umobra sa kanya ang mahabang panliligaw sa kanya ng dating kasintahan, baka nga sa pagkakataong iyon ay maiba naman. Sa harap ng mga kapatid ni Jocelyn ay nagbigay ng pahayag si Gilbert.
GILBERT: IPAGPAPAALAM KO PO SANA SA INYO KUNG PWEDE KO PO SANANG MAGING GIRLFRIEND SI JOY .ALAM KO PO NA HINDI NYO PA AKO LUBOS NA KILALA PERO MAKAKAASA KAYO NA HINDI KO LOLOKOHIN ANG KAPATID NINYO.
At simula nga noo'y naging maganda ang takbo ng relasyon nina Jocelyn at Gilbert. Bagamat may mga hindi pagkakaintindihan kung minsan ay umabot sila ng limang taon bago tuluyang ikasal.
ANG TUNAY NA PAG-IBIG AY DI NASUSUKAT SA HABA NG PAGILIGAWAN...NASUSUKAT LAMANG SA MALINIS NA HANGARIN AT WAGAS NA PAGMAMAHALAN.


No comments: