Saturday, January 19, 2008

STUDIO 7 PART 2

Bagamat madalas na nagkakasalubong sina Jocelyn At Gilbert sa hallway ng ABS-CBN, ay nagkakangitian lamang ang mga ito.Subalit may isang insidente sa kanilang cafeteria na nahuli ng babae ang lalaki na kinikindatan ito habang sila ay kumakain sa magkahiwalay na upuan. Gayunpaman hindi pa rin ito binibigyang-kahulugan ni Jocelyn dahil natatakot syang baka ligawan ito ni Gilbert. Liban pa doon, hindi pa sya handa sa pakikipagrelasyon sa mga panahong iyon dahil sariwa pa sa kanya ang iniwang sakit dulot ng naunang pag-ibig. Samantala... si Gilbert naman ay nagpatuloy sa paghanap ng paraan kung paano mapalapit kay Jocelyn. Kaya naman kinaibigan nito ang malalapit kay Jocelyn na sina Bryan Guarnes at Sol Aragones na pawang mga ka-opisina din ng babae. Subalit mahigpit silang pinagbilinan ni Jocelyn na huwag na huwag silang magbibigay ng kahit na impormasyon ukol sa kanya.
Agosto 30,2000.... kasalukuyang tumatakbo si Jocelyn para magdala ng scripts sa TOC dahil malapit nang pumasok sa ere ang Hoy Gising... Nang bigla syang lapitan ni Gilbert.
SOT: GILBERT: SMILEY, PASENSYA KA NA MAY NAGPAPATANONG KASI NG PHONE NUMBER YUNG KA-OPISINA KO KASI CRUSH NA CRUSH KA NUN EH.
Dahil nga abala sa trabaho ay nakulitan na si Jocelyn kay Gilbert.
JOCELYN: KILALA KO NA YAN SI GARET ALAM NA NYA NUMBER KO SA BAHAY TUMATAWAG SYA DUN
Ang GARET na tinutukoy ni Jocelyn ay isa sa mga poging cameraman din na kasamahan ni Gilbert na di-umano'y nanliligawa din sa kanya.
GILBERT: MAM DI NAMAN SI GARET IBANG KA-OPISINA KO AHIYAIN KASI YUN
JOY: PAKISABI DYAN SA KAOPISINA SYA MANGHINGI NG NUMBER HINDI IKAW
At dahil nga patuloy sa pangungulit si Gilbert ay tuluyan nang ibinigay ni Jocelyn ang kanyang phone number... Subalit binigkas niya ito ng mabilis upang di matandaan ni Gilbert.
Kinagabihan... Bigla na lamang may natanggap na tawag s Jocelyn sa kanilang bahay at Gilbert daw ang pangalan. At doo'y kanyang natuklasan na ang kaibigang nanghihingi ng kanyang number ay walang iba kundi si GILBERT din pala.
Ang tawag na iyon ng gabing ang naging simula ng kanilang pagkaka-kilanlan sa isa't isa ng mabuti.
Kinabukasan... Muling tumawag si Gilbert kay Jocelyn at humhingi ito ng permiso kung pwede itong ihatid sakanilang tahanan.Pumayag naman si Jocelyn sa kondisyong eksakto 6:30 ng gabi ay masundo sya nito sa kanilang opisina. Sinadya ito ni Jocelyn dahil ayaw nyang magpahatid dito at batid nyang may schedule si Gilbert ng TV PAtrol na natatapos ng 6:30. Dahil dito nakikiusap si Gilbert kung pwedeng magbigay ng palugit, Subalit...ito'y hindi sinang-ayunan ni JOcelyn.
Kung gayon...tuluyan na kayang maihatid ni Gilbert si Jocelyn?Saan hahantong ang kwentong pag-iibigang ito? Abangan sa huling bahagi ng dokumentadong paglalahad dito lamang sa aking blog.